Hindi ko nga lang alam kung katamaran ba, o kakulangan lang ng kumpyansa sa sarili, o kawalan lamang talaga ng kakayahan na makapag-akda, kaya't hanggang ngayo'y wala pa rin akong maipagmalaking prosang kinatas mula sa utak ko.
Ayokong isiping wala akong talento sa panitik. Hindi naman siguro. Huwag naman sana. Napakaraming kuwento ngayon sa akin isip na nagpupumiglas at nagpupumilit na makawala, naghihintay ng pagkakataong mabasa ng iba. Dahil ano nga ba naman ang kabuluhan ng isang likhang-sining kung hindi mabibigyan ng pagpapahalaga ng madlang titingin dito, hindi ba?
Gayunpaman, sakali mang nabiyayaan nga ako ng galing sa panulat, siguro, isa pa rin akong diyamanteng walang kinis. Magaspang ngunit may potensyal.
Ngayon, narito ang liha. Paumanhin na lamang para sa mga naiwang bahaging hindi napasadahan.
* * * * *
Para sa mga nangangamba sa bawat pagbabalik...
... sa mga nag-aalala at nababagabag sa bawat paglingon...
... sa mga katulad kong nananatiling naghahanap at nangungulila sa bakas ng nakalipas...
No comments:
Post a Comment